Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 nalalabing suspek sa Davantes slay, bilang na ang araw

$
0
0

PARA maisara na ang kaso, puspusan nang inilatag ng awtoridad ang pagtugis sa tatlo pang natitirang suspect sa pagpatay sa advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes.

Sinabi ni Police Senior Supt. Christopher Laxa, pinuno ng Task Force Kae, na lumiliit na ang mundo para sa mga suspek na sina Jomar Pepito, isang alyas “Fasher” at isang John Doe na pawang kasabwat sa krimen.

Anumang araw ngayong linggo ay makukuwelyuhan na rin ng kanyang binuong police tracker teams ang tatlo pang suspect sa kanilang pinagtataguan lugar.

“Mas madali na ngayon ang pagkilos na hindi tulad nuong una ay nangangapa pa kami pero ngayong may nahuli na ay madali na lang matuntun ang kinaroroonan ng mga natitira pang suspect”, pahayag ni Laxa.

Sinabi rin ni Laxa, na nakasentro na lang ang imbestigasyon sa anggulong pagnanakaw batay na rin sa pahayag ni Samuel Decimo, 19-anyos, isa sa mga suspect na naunang natimbog noong Biyernes.

Isinantabi na rin  ng nasabing task force ang anggulong “crime of passion” na unang inakalang motibo sa  pagpaslang sa 25-anyos na senior account manager ng McCann Worldgroup,

Naaresto naman sa Cupang, Muntinlupa ang suspek na si Lloyd Enriquez, 18-anyos at Jojo Diel, 30-anyos na sumuko sa mga pulis noon naming nakaraang Sabado.

Upang lalo namang mapagtibay ang ebidensya laban sa mga naaresto at hindi pa nahuhuling suspect, ipapakita sa pamilya ni Davantes ang  narekober na isang Toshiba laptop at iPhone 5 mula sa isang tindahan sa Alabang, Muntinlupa City na pinaniniwalaang pag-aari ni Davantes at umano’y ipinalit nina Decimo sa P11,000.00 halaga ng mga damit na kanilang ipinamili.

The post 3 nalalabing suspek sa Davantes slay, bilang na ang araw appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>