NASUNOG ang 11 bahay sa Kabajar Road, Barangay Guadalupe, Cebu City, nitong Sabado ng alas 11:38 ng gabi, ayon sa ulat ng Cebu City Fire Department.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Chief Inspector Vonrad Doblius, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Mabel Mabatid at Renante Luang dahil sa problema sa linya ng kuryente.
Agad namang nakalikas ang mga residente kaya walang naiulat na nasaktan sa sunog.
Dakong alas-12:14 Linggo ng madaling-araw nang maapula ang sunog ats umabot ito sa Task Force Alpha.
Tinatayang P250,000 naman ang pinsalang idinulot ng sunog.
The post 11 bahay sa Cebu, nasunog appeared first on Remate.