Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa hanging Habagat

$
0
0

MAKARARANAS ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas region kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Odette.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) ang pag-ulan na nararanasan ng ilang bahagi ng Metro Manila, Central Luzon at Western Visayas region ay dahil sa hanging Habagat na pinai-igting ng bagyong Odette at ng isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsability.

Sinabi ni Jori Loiz weather forecaster ng PAGASA na walang namamataang sama ng panahon ang weather bureau at tanging ang hanging Habagat lamang ang nagpapa-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas region.

Bagamat nakalabas na ng PAR ang bagyong Odette nitong nakalipas na Sabado ng gabi makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa hanging Habagat.

Sinabi pa ni Loiz na maliit din ang tsansa na magkaroon tayo ng sama ng panahaon ngayon dahil sa paghihilahan ng nakalabas na bagyong Odette at ng isa pang bagyo na nasa labas ng PAR.

The post Pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa hanging Habagat appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>