PATAY ang tatlong barangay official na kinabibilangan ng dalawang incumbent barangay kagawad, habang isang tanod naman ang sugatan nang ratratin sila ng hindi nakilalang mga lalaki sa loob ng barangay hall sa Barangay Mamplasan, Biñan Laguna.
Kinilala ang mga biktima na sina Edwin Salosa, Ogie Villavicencio pawang mga barangay kagawad at ang tanod na si Arnaldo Salosa.
Samantala, patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang tanod na si Cristobal Sorilla na may tama ng bala ng baril sa katawan at kaliwang hita.
Nabatid na nagmimiting ang mga biktima kasama si barangay chairman Rommel Dicdican at ang asawa nito nang biglang dumating ang mga suspek at namaril.
Nakaligtas sa insidente si Dicdican at misis nito habang napatay naman sa barilan sina Salosa, pawang may mga tama ng bala ng baril sa ulo.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng getaway vehicle.
Inaalam na kung may kinalaman ang nalalapit na eleksiyon sa krimen.
The post 3 barangay official patay sa pamamaril sa Laguna appeared first on Remate.