PATAY ang isang lalaking dayo matapos pagsasaksakin kagabi habang kasagsagan ng malakas na ulan sa Port Area, Maynila.
Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 25-30, may taas na 5”3, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na denim pants at green long sleeve na fatigue jacket at may tama ng saksak sa dibdib.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas dala ang ginamit sa pananaksak.
Sa imbestiagsyon ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-homicide section, dakong 11:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay sa Block 2 Lot 9 Unit 224 Baseco compound, Port Area, Manila.
Ayon kay Sharon Peros, residente sa lugar, una nitong nakita ang biktima na nakahandusay sa lugar subalit binale-wala nito dahil sa pag-aakalang lasing na nakatulog lamang ito kaya bumalik ito sa kanilang bahay.
Gayunman, ilang minuto lang ang nakakalipas nang nakarinig ito ng sigaw ng isang tricycle driver hinggil sa umano’y lalaking sinaksak at nang usyusuhin ni Peros ay ang lalaki rin na nauna niyang nakita ang tinutukoy ng driver kaya ipinag-alam nito sa barangay na siyang nag-report sa pulisya.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ay nakitang may isang tama ng saksak sa kayang bibdib ang biktima na nakita lamamg matapos na mahugasan ang kanyang katawan dulot ng ulan.
Pinaniniwalaan naman ng pulisya na dayo lamang ang biktima dahil walang nakakakilala sa mga residente.
The post Dayo tinarakan, patay appeared first on Remate.