IKINOKONSIDERANG sarado na ang kaso ng pagpatay sa advertising executive na si Kae Davantes, 25-anyos at residente ng Las Piñas City.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Deputy Chief Christopher Laxa, pinuno ng Task Force Kae Davantes, na mismong ang mga magulang ng suspect na si Jorek Evangelista ang nagkipag-ugnayan sa kanila para maaresto ang kanilang anak.
Nitong Miyerkules ng madaling araw, nahuli si Evangelista habang papasakay sa isang pampasaherong bus sa Cabanatuan City.
Iprinisinta ito sa National Capital Rergional Police Office NCRPO) ngayong hapon.
Nauna nang sumuko ang ika-4 na suspect na si Jomar Pepito kahapon naman.
Nasa kustodiya na rin ng awtoridad sina Reggie Diel, Lloyd Benedict Enriquez at Samuel Decimo na siyang nagnguso sa kanyang mga kasamahan.
Nahaharap sa kasong qualified carnapping at robbery with homicide ang mga suspek hinggil sa pagpatay kay Davantes na ang bangkay ay nadiskubre sa ilalim ng tulay sa Silang, Cavite noong Setyembre 8.
Nawala naman itong parang bula kasama ng kanyang kotseng Toyota Altis noong madaling araw ng Setyembre 7 matapos dukutin at pagsasaksakin ni Decimo.
The post Ika-5 suspect sa Davantes slay, isinuko ng magulang appeared first on Remate.