PINILAHAN ang isang dalagita ng tatlong lalaki sa bakanteng lote sa Caloocan City Martes ng gabi, Setyembre 24.
Nadakip naman ang suspek na sina Rommel Siata, 24 at Job Daumar, 32 kapwa ng Deparo, Bagong Barrio ng lungsod habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.
Sa pahayag ng biktimang edad 13, dakong alas-7:30 ng gabi, pauwi na siya galing eskuwelahan nang biglang umulan na naging dahilan upang sumilong sa tindahan sa lugar ng mga suspek.
Inabutan ng biktima na nakatambay ang mga suspek at makalipas ang ilang sandali ay hinatak at dinala sa bakanteng lote.
Hindi makasigaw ang biktima dahil tinakpan ng mga suspek ang bibig ng una hanggang sa sunod-sunod na hinalay ang una.
Nang makaraos ay iniwan na ng mga suspek ang biktima at nang makauwi ang dalagita ay nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang samahan sa presinto.
Sa isinagawang follow-up operation, nadakip ang dalawa habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.
The post 13-anyos na dalagita, pinilahan ng 3 appeared first on Remate.