MULING nag-alburoto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng dalawang volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag kahapon, Nobyembre 16, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumaas ang water level sa paligid ng bulkan mula sa 1.49 meter sa dating 1.39 meter.
Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy pa rin na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal dahil sa posibilidad na pagsabog nito.
Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.
The post Bulkang Taal muling nag-alburoto appeared first on Remate.