Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Obrero ‘sinuwag’ ng kotse sa QC patay

$
0
0
PATAY ang isang construction worker matapos suwagin ng isang kotse habang tumatawid sa C.P. Garcia St., Brgy. U.P. Diliman,Quezon City kaninang madaling-araw Nobyembre 17, 2013.
Kinilala ang nasawi na si Antonio Calip, 51, ng Munoz, Nueva Ecija.
Sumuko naman ang driver ng nakasagasa sa biktima na si Richard Valentine, 20.
Ayon kay Police Aide Emy Valderama ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, naganap ang insidente sa kahabaan ng C.P. Garcia sa tapat ng Sasa’s restaurant sa Brgy. UP Diliman, QC ala-1:00 ng madaling araw.
Sinabi ni Valderama na tumatawid ang biktima sa madilim na bahagi ng naturang lugar nang biglang dumating ang Honda Civic na kotse na minamaneho ni Valentine (POJ-301) at sinuwag ang biktima.
Sinagot naman ng driver ang gastos sa biktima at hindi na magsasampa ng kaso ang kaanak ng una sa huli.

 

The post Obrero ‘sinuwag’ ng kotse sa QC patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>