Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot tinodas sa Taguig dahil sa mana

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa 31-anyos na cellphone technician na tinadtad ng bala ng hindi pa nakikilalang mga salarin kagabi sa Taguig City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 at .9mm sa ulo at katawan ang biktimang si Allan Delico, tubong Carmen, North Cotabato, habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanang paa si Anna Marie Asas, 43, isinugod na sa Taguig Pateros District Hospital upang malapatan ng lunas.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Darwin Allas at PO3 Ricky Ramos ng Taguig Police Investigation and Detective Management Section, nakatayo sa harapan ng bahay ng kanyang mga kaanak sa Blk 1 Purok 6 Sitio Imelda, Upper Bicutan ang biktima nang dumating ang mga armadong salarin at kaagad siyang pinaulanan ng putok alas-8:30 kagabi.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang ilang piraso ng basyo ng kalibre .45 at .9mm na mula sa armas na ginamit ng mga salarin.

Ayon sa pulisya, galing ng Coron, Palawan ang biktima at nagtungo lamang sa Manila upang magbakasakaling makasakay ng C-130 military plane patungong Mindanao upang asikasuhin ang minanang lupain mula sa magulang.

Nabigong makasakay ang biktima kaya’t pansamantala munang tumuloy sa bahay ng mga kaanak sa Taguig kung saan siya pinaslang.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa malaking lupain na minana ng biktima sa kanyang mga magulang ang motibo sa pamamaslang.

The post Kelot tinodas sa Taguig dahil sa mana appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129