Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

NPA nag-donate ng P100K para sa Yolanda survivors

$
0
0

KAHIT kalaban ng gobyerno ang National Democratic Front-Northeastern Mindanao Regional Command (NDF-NMRC) ay nag-abot pa rin sila ng financial aid para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Sinabi ng nagpakilalang tagapagsalita ng NPA na si Ka Oris, aabot sa P100,000 ang kanilang donasyon.

Ang nasabing halaga  ang gagamitin bilang pambili ng grocery items gaya ng bigas, mga pagkaing de lata, noodles, tubig, gamot at iba para sa mga biktima ng bagyo lalo na sa Tacloban City at mga bayan sa lalawigan ng Samar at Leyte.

Noon namang hinagupit din ng bagyong Pablo ang Cagayan de Oro City at mga kalapit na bayan sa Misamis Oriental ay nagbigay din ang nasabing grupo ng 100 sakong bigas at mga grocery items na nagkakahalaga ng P50,000 na inihatid naman sa mga biktima ng bagyo.

Ikinatuwa naman ito ni Lt. Patrick Martinez, tagapagsalita ng 402nd Brigade Philippine Army ang pagtulong ng mga rebelde na sana’y hindi pagsakay lang sa kalamidad upang maging lehitimo ang kanilang pangingikil ng buwis sa rehiyon ng CARAGA.

Ayon sa opisyal, mas mabuti kung magsama-sama ang mga sundalo at mga rebelde sa paghatid ng tulong upang maipakita ang diwa ng bayanihan dahil maliban sa makakatulong sila, sigurado ring magiging masaya ang mga taong kanilang tutulungan sakaling makikita nilang nagkakaisa ang mga rebelde at mga sundalo sa pagtulong sa kanila.

The post NPA nag-donate ng P100K para sa Yolanda survivors appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129