DAHIL sa paniningil ng utang nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang trike driver na tinarakan ng kanyang kaalitan sa Camaslig, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Romaldo Laniog, 36, ng Zone 6, Barangay San Juan, San Ramon.
Napag-alaman na sinisingil ng biktima ang suspek na si Marcelo Budoso sa utang nito na nagkakahalaga ng P30.
Ngunit tumanggi ang suspek at nauwi sa mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan ng dalawa.
Sa kalagitnaan nito ay biglang bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.
Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima sa pagamutan habang pinaghahanap ang suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.
The post Pedicab driver, naningil ng utang tinarakan appeared first on Remate.