HINDI lang lakas ang nasimot kundi pati ang pera ng isang Japanese ship captain ay nawala rin nang tangayin ng babaeng binayaran nito kapalit ng panandaliang aliw sa General Santos City kaninang madaling araw, Nobyembre 20.
Dahil walang pamasahe, inihatid na lang ng mga tauhan ng General Santos City PNP mobile patrol ang biktima na nakilalang si Katuryushi Hamagawa, 60, Kapitan ng barko na nakahimpil sa Makar wharf.
Hinahanting na ngayon upang panagutin sa krimen ang nagngangalang Chin Chin Arellano na kilalang isang pickup girl sa lungsod.
Sa ulat, natuklasan ng biktima ang krimen alas-7 ng umaga nang magising ito sa loob ng kanyang inupahang lodging house sa Magsaysay Avenue.
Bago ito, bumaba ng barko ang biktima kagabi para kumuha ng serbisyo ng isang pickup girl sa Pioneer Avenue.
Nakilala ng biktima si Arellano at nagkasundong magsiping sa nasabing lodging house kapalit ng P1,500.
Umaga na nang madiskubre na wala na ang pick-up girl at nawawala rin ang P7,000 ng biktima.
The post Japanese ship captain, dinorobo ng pick-up girl appeared first on Remate.