Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bahay ng ilang ‘Yolanda’ victims, nasunog

$
0
0

ANIM na bahay kabilang ang ilan sa pag-aari ng Yolanda victims ang panibagong nasunog sa Fuentes Subdivision sa Barangay 1 sa Roxas City.

Kabilang sa mga bahay na nasunog ay ang pag-aari ni Kagawad Lydia Mendoza at ng kura paroko ng isang simbahan sa nasabing lungsod.

Nilamon din ng apoy ang mga bahay ng ilan sa mga nabiktima ng super typhoon Yolanda na ayaw magpabanggit ng pangalan .

Anim na fire trucks ang rumesponde sa sunog na tumagal ng halos dalawang oras.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isang kandilang nabuwal ang pinagmulan ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy sanhi ng  malakas na hangin at dahil na rin sa dikit-dikit ang mga kabahayan.

Samantala, nadakip ng awtoridad ang dalawang magnanakaw na nagsamantala sa gitna ng sunog.

Kahapon, namatay sa isa rin na sunog na naganap sa border ng Magallanes at San Roque Street sa Brgy. 2 sa Roxas City ay si Jomel, na magdiriwang ng kanyang 28th birthday ngayong buwan.

Ayon sa ama ng biktima, na-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay ang anak matapos balikan at tangkang isalba ang kanyang laptop.

Tumagal ng mahigit dalawang oras ang sunog sa dalawang palapag na ancestral house na nagsisilbi ring tindahan ng motorcycle parts ng mag-anak.

Pinaniniwalaan na ang nag-overheat na generator ang pinagmulan ng apoy.

The post Bahay ng ilang ‘Yolanda’ victims, nasunog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129