MAHIGIT sa 4,000-marks ang bilang ng mga kaswalidad sa pananalasa ng supertyphoon Yolanda.
Sa latest death toll ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala na sa 4,011 ang kumpirmadong patay habang nasa 18,557 naman ang nasugatan.
Patuloy naman ang paglatag ng search and rescue operations sa natitira pang 1,602 na nawawala.
Samantala, umapela ang Cebu Regional Development Council (RDC-7) kay Pangulong Benigno Aquino III na gamitin ang kanyang emergency power upang mapadali ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa Eastern Visayas at sa ilang bahagi ng Central at Western Visayas.
Ito’y matapos na hanggang ngayon hindi pa rin naibabalik sa normal ang power supply lalong-lalo na sa Eastern Visayas na labis na sinalanta ng supertyphoon Yolanda.
Dahil dito, bumuo na ng adhoc committee ang Infrastructure Development Committee (IDC) ng Regional Development Council kung saan ang chairman ay si NEDA-7 OIC-Regional Director Efren Carreon upang magrekomenda kay PNoy na gamitin ang kanyang emergency power nang sa gayon ay mapadali ang restoration ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng supertyphoon.
Napag-alaman na kahit sa Cebu, mababa pa rin ang power supply.
Sa katunayan nagpapatuloy pa rin ang rotational brownout.
Nabatid na ilan sa mga power plants ay matatagpuan sa Leyte na labis na naapektuhan ng bagyo noong Nobyembre 8.
The post UPDATE: Death toll sa ‘Yolanda’ 4,011 na appeared first on Remate.