HALOS madurog ang katawan ng 22-anyos na machine operator nang maipit sa malaking makina na gumagawa ng plastic sa loob ng pinagtatrabahuang planta kaninang madaling-araw sa Taguig City.
Inabutan pa nina Taguig Police Homicide investigators PO3 Ricky Ramos at PO2 Victor Amado Biete ang lasog na katawan ng biktimang si Tahir Kamsa, ng Blk 183 Lot 33 IRM Road, Maharlika Village na nakaipit sa malaking makina sa loob ng Eastern International Plastic Packaging Corporation sa Barangay Bagumbayan alas-4 ng madaling araw.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, wala silang makitang palatandaan na may taong nagtulak sa biktima kaya malaki ang posibilidad na isang malagim na aksidente ang nangyari.
Wala ring palatandaan na isang uri ng pagpapatiwakal ang nangyaring pagkakaipit ni Kamsar sa malaking makina at posibleng hinigop ito dahil umaandar ang makina nang pumasok siya sa naturang planta.
The post Machine operator patay sa makina appeared first on Remate.