Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Flashflood, landslide alert ibinabala ng PAGASA

$
0
0

NAGBABALA kanina ng flashflood at landslide alert ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng namataang low pressure area (LPA).

Sinabi ni weather specialist Gener Quitlong ng PAGASA, inaasahang magpapabaha sa nasabi pang lugar ang LPA na magdudulot pa ng landslide.

Ayon kay Quitlong, huling namataan ang LPA sa layong 220 kilometro sa Southern Puerto Princesa City sa Palawan.

Inihayag nito na kapag tuluyang maging ganap na bagyo, tatawagin itong ‘Alamid’.

Gayunman, ipinaliwanag nito na hindi magtatagal sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing LPA na inaasahan ding tatahak patungong Vietnam.

Kabilang aniya sa makararanas ng pag-ulan ang Leyte, Agusan del Sur, Caraga Region, Compostela Valley, Zamboanga at Palawan.

Ang Metro Manila, Ilocos at natitirang bahagi ng Central Luzon ay mananatiling maulap at inaasahan ang panaka-nakang mga pag-ulan dahil sa epekto ng buntot ng cold front.

The post Flashflood, landslide alert ibinabala ng PAGASA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>