NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga namatay sa bagyong Yolanda.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Sabado ng umaga, 5,235 na ang patay habang lomobo sa 23,501 ang bilang ng sugatan at 1,613 pa ang nawawala.
Mahigit 10 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo kung saan mahigit 4.2 milyon ang nananatili sa evacuation centers.
Kaugnay ng halaga ng pinsala, pumalo na ito sa P22 bilyon kabilang ang halos P12 bilyong nawasak sa imprastraktura at mahigit P10.5 bilyon sa agrikultura.
Patuloy pa rin ang pag-ayuda ng pamahalaan sa mga sinalanta. Umabot na sa P500 milyon ang kanilang naipamahaging tulong bukod pa sa donasyon ng ibang bansa.
The post UPDATE: Patay sa ‘Yolanda’ 5,235 na appeared first on Remate.