ISA ang patay habang dalawa ang sugatan matapos ang insidente ng holdap sa North Fairview, Quezon City kaninang umaga, Nobyembre 23, 2013.
Kinilala ang namatay na si Eldimar Pablo, 32, messenger ng 84-B Pechayan Kanan, Brgy. North Fairview, QC.
Si Pablo ay idineklarang dead on arrival sa Malvar Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan, habang sugatan naman sina Maribel Subiono, 28, secretary, stay-in sa Royal Monfort Construction Supply sa Don Enrique Height Subdivision, Brgy. Commonwealth, QC at Eduard Go, 42, may-ari ng hardware at kasalukuyang inoobserbahan sa naturang pagamutan.
Ayon kay PO2 Darwin Ferre ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente sa harap ng Monfort Construction Supply sa Don Enrique Height, Subdivision, Brgy. Commonwealth alas-9:30 ng umaga.
Mmagbabayad sana ang biktimang si Pablo sa naturang hardware nang holdapin ng riding in-tandem.
Tumangging ibigay ng biktima ang kanyang dalang pera dahilan para paputukan siya na kanyang ikinasawi.
Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Subiono at Go habang nasa loob ng naturang hardware.
Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.
The post 1 patay, 2 sugatan sa holdapan sa QC appeared first on Remate.