Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tail-end cold front, iiral sa Aurora at Quezon

$
0
0

DAHIL sa pagsasalubong ng magkaibang hangin o tail-end cold front, uulanin ngayong Linggo ang Aurora at Quezon.

Ito’y kasunod na rin ng kawalan ng low pressure area (LPA) o sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio na magiging maulap na may katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mga lalawigan sa silangan ng Luzon dahil sa tail-end ng cold front.

Maaari itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Habang ang Cagayan Valley, Kabikulan at silangang Kabisayaan ay magiging maulap na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan.

The post Tail-end cold front, iiral sa Aurora at Quezon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>