TUMIMBUWANG sa kalye ang dalawang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City kagabi, Nobyembre 22, 2013
Ang dalawang napatay na hindi pa nakikilala ay inilarawang nasa 30 hanggang 40-anyos, 5’5 ang taas, nakasuot ng itim na short, light blue shirt na may white stripe habang ang isa naman ay nakaitim na t-shirt at short pants.
Ayon kay PO2 Lucy Paradero ng Quezon City Police District station 11 Galas, naganap ang insidente sa Quezon Avenue cor D. Tuazon, Brgy. Josefa, alas-10:45 kagabi.
Sinabi ni P02 Paradero na sakay ng isang pampasaherong jeep na biyaheng Fairview (TXE-724) na minamaneho ng isang Bobby Casires ang mga suspek nang magdeklara ng holdap sa Quezon Avenue cor. D Tuazon.
Agad tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga pasahero ng jeep at nagdeklara ng holdap saka nilimas ang mga gamit at pera ng pasahero.
Napadaan naman ang isang mobile patrol ng Quezon City Police at napansin ang komosyon sa jeep.
Dito na pinutukan ng mga suspek ang mga pulis na gumanti naman ng putok.
Patay ang dalawang holdaper habang nakatakas naman ang isa nilang kasamahan.
The post 2 holdaper tumimbuwang sa kalye appeared first on Remate.