NIYANIG ng 3.3 magnitude na lindol ang Surigao del Norte at Tabilaran City kaninang madaling-araw, Nobyembre 24, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) unang naramdaman ang pagyanig sa kanluran bahagi ng Mainit, Surigao del Norte dakong 12:43 ng madaling-araw.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 005 kilometro.
Samantala, kaugnay nito naramdaman naman ang 2.6 magnitude na lindol sa silangan ng Tagbilaran City kahapon ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 020.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang pagyanig sa Tagbilaran City ay bahagi ng nakaraang aftershocks nitong nakalipas na Oktubre 15, 2013 sa Bohol na nilindol ng 7.2 magnitude.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang afterschocks sa naturang lindol.
The post Surigao at Tagbilaran inuga ng lindol appeared first on Remate.