MULING nag-alburuto ang bulkang Mayon matapos makapagtala ng limang pagyanig sa paligid nito iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang umaga Nobyembre 24, 2013.
Ayon sa PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkang Mayon dahil sa abnormal na kondisyon ng bulkan.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng publiko sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagbagsak ng mga bato, landslides at iba pang mga bagay mula sa bunganga nito.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa paglapit ng publiko malapit sa bulkan dahil sa banta ng lahar.
Itinuturing ng PHIVOLCS na active volcano ang Mayon dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto nito nitong mga nakalipas na taon.
The post Bulkang Mayon muling nag-alburuto appeared first on Remate.