Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binatang gutom, nagnakaw ng de lata, tiklo

$
0
0

BAGSAK sa kulungan  ang  isang  binatang gutom matapos mahulog mula sa bulsa ang isa sa mga ninakaw na de lata sa sari-sari store sa Navotas kagabi, Nobyembre 23.

Kinilala ang suspek na si Leandro Baña, 20, ng Phase 3C, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:30 kagabi nang pasukin ng suspek ang Trining Varela Sari-Sari Store sa Block 20, NBBS at tumangay ng mga de lata.

Nang palabas na ng tindahan ay nahulog sa sahig ang isang de lata na narinig ng may-ari na naging dahilan upang habulin ang tumatakas na suspek.

Ilang kapitbahay ang nakihabol na naging dahilan upang madakip ang suspek at mabawi ang 9 na piraso ng San Marino Corned Tuna at 10 Century Tuna at dalhin sa presinto.

Ikinatuwiran ng suspek na nagugutom lang siya kaya nagawang magnakaw.

The post Binatang gutom, nagnakaw ng de lata, tiklo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>