Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ex-US Navy dakip sa panghoholdap

$
0
0

KALABOSO ang 35-anyos na ex-US Navy matapos mangholdap ng taxi driver sa Malate, Manila kaninang umaga.

Hawak na ng MPD-General Assignment Section (GAS) ang suspek na si Yaneir Rashan, turista, American national at nanunuluyan sa Bacoor City, Cavite dahil sa reklamo ni Igmedio Eneran, 58, driver ng Bernadine Taxi (UVX-792) ng Blk. 31 Lot 74 Area 2 Dagat-dagatan, Navotas.

Sa report, alas-5:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa kanto ng Arellano at Zobel Sts., sa Malate, Maynila.

Sa salaysay ng biktima, sumakay ang suspek sa Harrison sa Vito Cruz at nagpapahatid sa Makati subalit pag-ikot nila sa kanto ng Arellano at Zobel Sts., ay nagdeklara ang suspek ng holdap hawak ang isang jungle bolo.

Hinawi naman ng biktima ang kamay ng suspek saka ibinaba ang hand break na tiyempo namang napansin ang komosyon ng mga barangay tanod na lumapit sa kanila na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Sa pagsisiyasat, expired na ang tourist visa ng suspek noon pang Abril, 2013.

Ipinaalam na rin sa US Embassy ang kinasangkutang insidente ng suspek.

The post Ex-US Navy dakip sa panghoholdap appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


EASY COME, EASY GO


Top 7 Lies of Boys


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Two timer Sad tagalog Love quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>