HINILING ngayon ng Top Rank Promotions sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Pilipinas na sa Internal Revenue Services (IRS) ng Estados Unidos humiling ng kopya ng sertipikasyon sa pagbabayad ng buwis ni Manny Pacquiao sa kanyang mga laban noong 2008 at 2009.
Nilinaw pa ni Bob Arum, CEO ng Top Rank, na humahawak sa mga laban ni Pacquiao na atasan ang Philippine Embassy sa US para kumuha ng tax certification sa IRS.
Sinabi ngayong umaga ni Arum na huwag sisihin ng BIR si Pacquiao dahil wala siyang magagawa para pilitin ang IRS na agad mag-isyu ng katibayan sa binayad na buwis sa Federal government.
Ayon kay Arum, hindi sila nagkulang sa pagbabayad ng buwis sa bawat laban ni Pacquiao at matagal na rin silang nag-request ng tax receipt.
Kasabay nito, inihayag ni Bob Arum na ‘unfair’ ang mistulang panggigipit kay Pacman na isang modelong mamamayan, nagdadala ng karangalan sa bansa at laging tumutulong sa mga nangangailangang kababayan lalo sa panahon ng kalamidad.
Una nang nagsumite ng dokumento ang Top Rank bilang patunay sa binayarang buwis ni Pacquiao pero hindi ito kinikilala ng BIR at gusto nila ang kopya mula sa IRS.
The post Arum sa BIR: Magnanakaw sa gobyerno ang pag-initan n’yo appeared first on Remate.