Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Utak sa Zamboanga siege, tiklo sa CDO

$
0
0

NAKUWELYUHAN ng awtoridad ang isang wanted na lalaki na nagpapanggap na representative ng United Nations (UN) at isa rin sa mga nasa likod ng krisis sa Zambonga City.

Ang suspek na si Daniel Xavier, ay nadakip  bandang alas-3:30 kaninang madaling-araw  sa terminal ng bus sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City.

Sangkot si Xavier sa mabibigat na kasong rebellion at Crime Against International Humanitarian Law kaugnay sa nangyaring pag-atake ng Misuari faction ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong Setyembre 9.

Sinabi ni C/Insp. Ariel Husca, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-9), bago nangyari ang pag-atake sa Zamboanga City ng mga rebeldeng MNLF, lumitaw si Xavier at nakipagkilala mismo sa grupo ni MNLF founding chairman Nur Misuari bilang representante ng UN.

Pakilala ng suspek na ipinadala siya ng UN para asikasuhin ang mga hinaing ng grupo ni Misuari laban sa pamahalaan at sa Moro Islamic Liberation Front kaugnay pa rin sa nilagdaang Bangsamoro Framework Agreement.

Paniwala ng awtoridad, na malaki ang naging partisipasyon ni Xavier sa pag-atake ng mga rebelde sa lungsod dahil mas naging kampante ang naturang grupo dahil sa pangako na tutulungan niya ang grupo ni Misuari.

“Earlier, the police filed charges of rebellion and violation of the international humanitarian law against Daniel Xavier along with other MNLF member including Chairman Nur Misuari relative to the Zamboanga City Siege incident. The suspect pretended to be a representative of the United Nations and assured the Moro National Liberation Front (MNLF) chairman of the UN’s support in his declaration of independence,” pahayag pa ni Huesca.

Batay sa unang mga lumabas na report, si Xavier ay dating US Navy pero hindi pa malinaw sa ngayon kung sino ang mastermind sa pagpapadala sa suspek para magpanggap na kinatawan ng UN.

Pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng Regional Criminal Investigation and Detection Unit Region 10 sa Cagayan de Oro ang suspek at inaasahang dadalhin sa lungsod ng Zamboanga para harapin ang mabibigat na kaso.

The post Utak sa Zamboanga siege, tiklo sa CDO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129