NIYANIG ng 3.2 magnitude na lindol ang Dipolog City at Davao del Sur kaninang madaling-araw Nobyembre 27, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) unang naramdaman ang pagyanig sa kanluran ng Dipolog City alas-12:45 ng madaling-araw.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 053 kilometro.
Samantala, naramdaman naman ang 3.8 magnitude na lindol sa silangan ng Sarangani, Davao del Sur ala-1:08 ng madaling-araw.
Nabatid sa PHIVOLCS na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 075 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post Dipolog, Davao del Sur inuga ng lindol appeared first on Remate.