DALAWANG lalaki na biktima ng salvage ang itinapon sa Brgy. Lourdes, Quezon City kaninang umaga, Nobyembre 27, 2013.
Inilarawan ang mga biktima na nasa 30 hanggang 40-anyos, 5’4 hanggang 5’5 ang taas, kayumanggi, maiksi ang buhok at nakasuot ng itim na t-shirt at short pants, habang ang isa naman ay nakasuot ng brown na t-shirt at itim na short pants.
Ayon kay PO3 Noel Bautista ng Quezon City Police District station 1 Laloma, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Cordillera corner Calamba Street, Brgy. Lourdes, QC alas-5:30 ng umaga.
Natagpuan ang bangkay ng basurera na si Mercy Navarro habang naghahalukay ng basura sa lugar.
Nakasilid ang bangkay ng biktima sa isang balikbayan box at nakapulupot ang packaging tape sa katawan.
Hinihinala ng awtoridad na maaaring sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at doon lamang itinapon para iligaw ang mga imbestigador.
The post 2 salvage victim ‘ikinalat’ sa Quezon City appeared first on Remate.