PATAY ang isang magkarelasyon nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga biktima na sina Sonny Boy Santos, 46, at live-in partner na si Marivic Infante, 37, ng 231 H. Lopez St., Balut, Tondo Manila na agad binawian nang buhay sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Inaalam na ang pagkakakilanlan sa mga suspek na magkaangkas sa isang ‘di naplakahang motorsiklo, na tumakas matapos ang pamamaril.
Nabatid na alas-4:30 ng hapon nang tumigil ang motorsiklo ng mga suspek sa bahay ng mag-asawa at pinaputukan ang dalawa.
Si Santos ay tinamaan ng bala sa leeg na tumagos sa likuran habang si Infante ay tinaman naman sa sentido.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.
The post Mag-asawa utas sa riding-in-tandem appeared first on Remate.