Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Helper mechanic patay sa chief mechanic

$
0
0

PATAY ang isang helper mechanic matapos magulungan ng fire truck na kinukumpuni nang paandarin ito ng kanyang chief mechanic sa Soriano at N. Noclolas St., Brgy. Niugan Malabon City kahapon.

Dead on the spot si Dominador  Laguerta, 58, helper mechanic, ng Javier St., Bgry. Baritan, sanhi ng pagkabasag  ng bungo at pagkalasog ng katawan.

Arestado naman ang suspek na si Anastacio Espeñol, 50, chief mechanic, ng  Nicolas St., Niugan, Malabon.

Ayon sa ulat, alas-5 ng hapon, kasalukuyang kinukumpuni ng biktima at ng suspek ang fire truck ng San Antonio de Padua Fire and Rescue Volunteer Brigade (CRW-237).

Sa salaysay ng saksing si Dennis Laguerta, 32, anak ng namatay, kinukumpuni ng kanyang ama ang preno ng fire truck sa hulihan nang paandarin iyon ng suspek.

Dahil sa palusong ang kalsada hindi napigilan ng driver ang pagdausdos ng sasakyan hanggang sa nagulungan ang biktima na naging sanhi ng pagkadurog ng bungo nito.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek.

The post Helper mechanic patay sa chief mechanic appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>