ISANG tulak ng iligal na droga at No. 3 sa talaan na target ng mga awtoridad sa Lanao at pamangkin nito ang inaresto matapos mahulihan ng shabu at iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril at mga bala sa buy bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lanao del Sur.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Maminta Balindong Ali, alias Inta o Barrio, 47 , nakatala bilang Number 3 sa talaan ng Regional Top Priority Target Drug Personality ng PDEA Regional Office 9; at pamangkin na si Alinor Sampurna Ali, 23, binata, miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU). At kapwa residente sa Barangay Liangan, Picong, Lanao del Sur.
Nakumpiska sa dalawa ang may 313 sachet ng shabu na may bigat na 24 na gramo , isang Colt M-16 rifle at apat na magazine ng bala nito at 80 mga bala.
Habang nakuha naman sa pamangkin nito ang iba pang armas na kinabibilangan ng M-16, 5.56 rifles, isang caliber. 7.62 machine gun, isang kalibre 7.62 AK47, 33 magazine para sa iba’t ibang baril at 218 piraso ng mga bala.
Nakuhang isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) sa pamumuno ni Director Jeffrey Bangsa, at PDEA Regional Office Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 9 Provincial Public Safety Company (RO9 PPSC), Zamboanga del Sur Police Office (ZDS PPO, matapos isagawa ang buy-bust operation sa Barangay Liangan, Picong, Lanao del Sur.
Dahil dito sina Maminta at Alinor ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. At hiwalay na kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms).
The post 3 tulak dakip sa shabu, armas at mga bala appeared first on Remate.