PATAY ang dalawang tao habang 16 naman ang sugatan nang bumangga ang isang delivery truck sa internet cafe sa Barangay Sta. Ana, Barili Cebu.
Kinilala ang mga namatay na sina Anderson Jason Vergara, menor de edad at Jennifer Martillan, 21, kapwa nakatira sa naturang lugar.
Ayon sa hepe ng Barili Police Station na si P/Insp. Arvi Arbuis, dalawa sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon na sina Florencio Filitona at Luis Baydal na patuloy ngayong ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC).
Nabatid na biglang nawalan ng preno ang delivery truck at hindi na ito nakontrol ng driver kaya bumangga sa internet cafe na nagkataong maraming tao sa loob.
Agad namang dinala sa Barili District Hospital at VSMMC ang mga nasugatan.
Nanawagan ang Barili Police Station sa driver na si Adonis Quiñanola at ang truck boy na si Elmer Colano na sumuko na sa awtoridad.
The post Internet cafe sinuwag ng trak, 2 todas appeared first on Remate.