ISANG kilabot na tulak ng droga ang minalas na mapatay habang dalawa sa kasamahan niya ang nasakote matapos pumalag at makipagbarilan sa anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) Asingan Police Station, sa isinagawang buy-bust operation sa Asingan, Pangasinan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 150 gramo shabu, isang baril at mga bala.
Hindi na rin umabot nang buhay sa Asingan Community hospital ang napatay na si Elias Sultan, alyas Kadi, sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan habang arestado naman ang kanyang kasamahan na si Benito Monses, 53, watch repairman, at residente sa Alejo Street, Poblacion East, Asingan, Pangasinan.
Ayon kay PDEA Director Gen. Arturo Cacdac , Jr. bukod sa nakuhang sachet ng shabu sa buy bust ay nakuhanan pa ang mga suspek ng humigit kumulang sa 150 gramo ng shabu, isang granada, isang Norinco Cal. 45 pistol na may limang bala, 2 motorsiklo at P1,000 marked money.
Ikinasa ng PDEA RO 1 sa pamumuno ni Dir. Adrian Alvarino sa tulong ng PNP Asingan Police Station ang buy-bust operation sa Poblacion West, Asingan, Pangasinan.
Matapos magkaabutan ay naalarma si Sultan kung kaya agad niyang pinutukan ang papalapit na PDEA agents na nauwi sa barilan.
The post Subject patay sa drug raid ng PDEA appeared first on Remate.