HINATULAN ng United Arab Emirates court ang isang Filipino trader ng 15-taon na pagkakakulong makaraang patayin sa saksak at ihulog pa sa bintana ang kanyang Pinay business partner noong Agosto 2012.
Guilty ang hatol ng Dubai Court of First Instance sa 49-anyos na Pinoy na itinago sa pangalang Jerry sa pagpatay sa 50-anyos na si Raquel.
Ipinahayag naman ni Presiding judge Wajdi Al Menyawi na maide-deport lamang ang Pinoy matapos ang hatol na pagkakulong sa kanya sa bansa.
Patuloy naman sa pagtanggi ang Pinoy sa krimen.
“I am not guilty. I did not kill the woman… she jumped from my window. I did not push her,” ayon pa rito.
Sa rekord ng korte, lumalabas na nagtungo ang Pinay sa lugar ng suspek para sa pakikipag-meeting sana sa isang Korean businessman.
Pero nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa masaksak niya ang biktima at itinulak pa sa bintana para masigurong patay na ito.
Nakita rin ang bangkay ng biktima sa trunk ng kanyang kotse na inabandona sa Sharjah Industrial Area 11 noong Agosoto 31, anim na araw makaraang ireport ng kanyang mister ang pagkawala ng Pinay.
Nadiin sa kaso ang suspek nang tumestigo ang isang Emirati police captain hinggil sa pagkakaroon ng financial disputes ng dalawa.
Aniya pa, plinano ng suspek ang pagpatay sa biktima.
The post Pinay sinaksak, itinulak sa bintana ng nakaalitang Pinoy sa UAE appeared first on Remate.