Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Indonesia inuga ng 6.3 magnitude quake

$
0
0

ISANG malakas na 6.3-magnitude earthquake ang umuga sa Eastern Indonesia kaninang umaga, Disyembre 1.

Sa kabutihang palad, walang itinaas na tsunami alert ayon sa seismologists.

Tumama ang lindol alas-10:24 ng umaga, local time (0124 GMT), 351 kilometers (217 miles) sa silangan-hilaga-silangan ng East Timor capital Dili at ito ay may shallow depth na 10km, ayon sa US Geological Survey.

Hindi naman nagpalabas ang Pacific Tsunami Warning Center ng anomang alert kasunod ng lindol sa remote region na nasa eastern end ng Indonesian archipelago sa pagitan ng isla ng Timor at New Guinea.

Sa initial assessment, sinabi ng USGS na kung mayroon man ay mababa lamang ang pagkakaroon ng danyos at kaswalidad.

Ang Indonesia ay nasa Pacific “Ring of Fire”, na ang mga tectonic plate ay nagbabanggaan na nagdudulot ng madalas na seismic at volcanic activity.

Isang 6.1-magnitude quake na tumama sa  Aceh province sa Sumatra island noong nakaraang Hulyo ay nakakarit ng 35 kataong patay at libo-libo naman ang nawalan ng kabahayan.

The post Indonesia inuga ng 6.3 magnitude quake appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>