TIGOK ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kapitbahay ng kanyang kasintahan kaninang umaga sa Pinagsabugan Longos, Malabon City.
Dead on the spot sa pinangyarihan si Reynaldo Villanueva, 45, tricycle driver ng 113 Adabte St., Tañong sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo .
Arestado at nahaharap sa kasong murder ang suspek na si Franklin Hinaniban, 26, ng Pinagsabugan Longos, Malabon.
Base sa imbestigasyon, alas-10 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng girlfriend ng una sa nasabing lugar.
Sa ulat, lasing na pumunta ang biktima sa nasabing lugar at hinahanap ang kasintahan na si Julie Ann Ople.
Ayon sa report, nayabangan ang suspek na kapitbahay ni Julie Ann sa inasta ng biktima kaya agad itong nagbunot ng baril at malapitang binaril sa ulo si Villanueva.
Sa isinagawang follow up operation ng pulisya ay nadakip ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong murder.
The post Kelot todas sa kapitbahay ng dyowa appeared first on Remate.