Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Helper kritikal sa saksak ng pedicab driver

$
0
0

KRITIKAL ang isang helper matapos pagsasaksakin ng driver ng pedicab na sinakyan ng una sa Valenzuela City, Linggo ng gabi, Disyembre 1.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Menardo Manalili, 35, ng Bignay, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Ronald Umali, 38, ng Batangas St., Balangkas ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, sumakay ang biktima sa pedicab ng suspek at pagsapit sa Coloong st., Pasolo ng lungsod ay pinagsasaksak ng huli ang una.

Dinala ang biktima sa JRMMC habang nadakip ng mga pulis ang suspek kung saan inaalam na ang dahilan ng pananaksak ng huli.

The post Helper kritikal sa saksak ng pedicab driver appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>