MULING nag-alburoto ang bulkang Mayon at Taal matapos makapagtala ng volcanic earthquake sa paligid nito kaninang umaga, Disyembre 2, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala ng isang (1) volcanic earthquake sa paligid ng bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ng Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 1 ang bulkang Mayon at nananatili ang abnormal na kondisyon nito.
Nabatid pa sa PHIVOLCS na bagamat walang magmatic eruption sa paligid ng bulkang Mayon patuloy na pinapaalalahanan ng ahensya ang publiko na wag pumasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng pagguho ng bato, landslides at iba pang bagay mula sa bunganga ng bulkan.
Itinuturing na ang bulkang Mayon ay active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito.
Samantala kaugnay nito, nakapagtala naman ng (1) volcanic earthquake sa paligid ng bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ng PHIVOLCS na patuloy na nakataas sa alert level 1 ang bulkang Taal at pinangangambahan ang pagsabog sa paligid ng bulkan.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok ng publiko malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito at patuloy na pinaalalahanan ang publiko na patuloy na nakataas sa Permanent Danger Zone (PDZ) ang paligid ng bulkang Taal.
The post Bulkang Mayon at Taal muling nag-alburoto appeared first on Remate.