Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Curfew sa Zamboanga City, inalis na

$
0
0

MATAPOS ang halos tatlong buwan, inalis na ng Zamboanga City government kaninang umaga  ang paglalatag ng curfew kasunod ng standoff o sigalot sa pagitan ng mga alipores ni Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari at ang puwersa ng pamahalaan.

Sinabi ng city government na nagdesisyon na ang crisis management committee na alisin ang curfew, na nananatiling nakalatag matapos ideklara ng gobyerno  na tapos na ang krisis.

“Crisis Management Committee now lifts City-wide curfew starting today, December 2, 2013,” saad sa kanilang Twitter account.

Kasabay ng pag-alis ng curfew, inanunsyo naman ng lungsod ang pagkilala sa mga buhay at namatay na mga bayani na tumulong para idepensa ang siyudad sa pananakop ng mga tauhan ni Misuari.

Itinaas ang curfew para limitahan ang galaw ng mga bataan ni Misuari noong kasagsagan ng giyera.

The post Curfew sa Zamboanga City, inalis na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>