WASAK ang mukha ng 47-anyos na lalaki nang palakulin ng kanyang sariling tatay sa Sison, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Feliciano Saludo, 78, inaming nagdilim ang kanyang paningin kaya nagawang mapatay ang kanyang anak na si Ferdinand.
Nabatid na napikon na ang suspek nang pinagbantaan silang mag-asawa na papatayin ng anak sa tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
Kaagad namang sumuko sa pulisya ang salarin matapos ang krimen.
The post Anak pinalakol ng naasar na tatay appeared first on Remate.