PATAY ang isang lalaki habang namimingwit sa Hawaii matapos atakihin ng pating.
Ayon sa Hawaii Department of Land and Natural Resources, nangyari ang shark attack malapit sa Little Beach sa Makena State Recreation Area sa isla ng Maui sa Hawaii.
Namimingwit ang biktima sakay ng isang kayak.
Sinabi ng kasamahan ng biktima na nakalaylay sa tubig ang isang paa nito habang namimingwit kaya kinagat ng pating.
Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit namatay din.
Inihayag ni Rod Antone ng Mayor’s Office sa Maui, na hindi pa matiyak kung turista o isa sa mga residente ang nasabing biktima.
Kaugnay nito, ipinasara na ang Makena State Recreation Area at pinayuhan ang mga tao na huwag lumusong sa dagat, sa mga beaches na nasa paligid ng recreation area.
Ito na ang ika-13 insidente ng shark attack na napaulat sa Hawaii ngayong taon kung saan walo rito ay nangyari sa Maui.
The post Lalaking namimingwit patay sa atake ng pating appeared first on Remate.