MULING nag-alburoto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng tatlong (3) volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang umaga, Disyembre 4, 2013.
Ayon sa PHIVOLCS, patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng PHIVOLCS ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog at dahil sa mataas na konsentrasyon ng toxic gases nito.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na nananatiling nasa ilalim ng Permanent Danger Zone ang paligid ng bulkang Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan.
Samantala, kaugnay nito, naitala ng PHIVOLCS ang tatlong (3) pagguho ng bato sa paligid ng bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na nananatili sa alert level 1 ang bulkang Mayon dahil sa abnormal na kondisyon nito.
Ang bulkang Taal at Mayon ay itinuturing na active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito.
The post Bulkang Taal muling ‘nag-alburoto’ appeared first on Remate.