NAKUMPISKA ng Intelligence Group ng Bureau of Customs (BOC) ang limang containers ng kontrabando na may kabuuang halagang P32.8 milyon na tinangkang ipuslit sa Manila International Container Port.
Kabilang dito ang dalawang containers ng cellular phones mula China na nagkakahalaga ng P3 milyon at idineklarang wearing apparel ng consignee na Megabytes Marine Resources.
Nasabat din ang dalawang containers ng sibuyas mula pa rin sa China na may halagang P2.8 milyon, naka-consign sa Nolman Commercial at idineklara namang ice candy.
Hindi rin nakalusot ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P25 milyon mula sa Hong Kong at idineklarang household wares at ang mga damit mula sa South Korea na nagkakahalaga ng P2 milyon na naka-consign sa Era Pottery.
Magkatuwang na ininspeksyon nina resigned Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Comm. for Intelligence Jesse Dellosa ang mga kontrabando.
The post P32.8-M kontrabando, nasabat ng Customs appeared first on Remate.