Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Kidnap me’ sa Ateneo campus incident

$
0
0

ISANG kasong ‘kidnap me’ lang ang nangyaring pagdukot sa isang estudyante noong Nobyembre sa loob mismo ng Ateneo de Manila University campus, ayon sa Quezon City police chief, limang araw  matapos kumpirmahin ng eskuwelahan ang krimen.

“Walang nangyaring kidnapping. Kwento lang ‘yun nung bata,” pahayag ni Chief Supt. Richard Albano ng QC Police District.

Sa kanilang pahayag noong Nobyembre 29, kinumpirma ng ADMU ang insidente ng pagdukot na naganap sa loob ng kanilang campus na nangyari noong Nobyembre 21, pero pinalaya at hindi sinaktan ang nasabing estudyante at wala ring ibinayad na ransom money.

Hindi naman nagkokomento pa ang ADMU sa naging komento at rebelasyon ni Albano.

Ayon kay Albano, sinisilip nila ang  anggulong “kidnap me”  o kidnapping scheme na ang biktima ay mismong kasabwat ng kidnappers.

Noong Nobyembre 21, tinangay ng mga kidnappers ang isang 20-anyos na biktima at tinawagan ang mga magulang nito para humingi ng  P250,000 ransom.

Nakipagtawaran ang pamilya ng biktima pero nabigong magkasundo sa halaga.

Sa hindi malamang dahilan, pinakawalan ng mga kidnapper ang biktima noong umaga ng Nobyembre 22, kahit walang naibibigay na ransom sa mga suspek.

The post ‘Kidnap me’ sa Ateneo campus incident appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129