Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Transport holiday ikinasa sa Biyernes

$
0
0

MAGLULUNSAD ng transport holiday ang grupong Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Biyernes, Disyembre 6, kapag hindi natugunan ang kanilang hiling na dagdag pasahe.

Ayon kay ACTO President Efren de Luna, magsasagawa sila ng pagkilos upang iparating sa pamahalaan ang matinding pagkondena sa sunod-sunod na namang pagtaas sa presyo ng diesel na gamit ng mga passenger jeepney.

Anya, kung noong una ay 50 sentimos na provisional increase ang kanilang hiling nais nila ngayon ay  P2.00 dagdag pasahe sa pampasaherong jeep o magiging P10 minimum fare.

P8 ang minimum fare sa jeep sa ngayon.

Kanina ay nagtaas na naman ng P1.35 kada litro ang halaga ng diesel gayung katataas lamang noong nakaraang linggo ng mahigit 50 sentimos kada litro dahil umano sa pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Winston Gines na walang magaganap na taas pasahe ngayong taon.

The post Transport holiday ikinasa sa Biyernes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129