MATAPOS makahugot ng lakas, isinalaysay ng Jordanian journalist na si Baker Atyani ang kanyang pagtakas sa kamay ng mga tauhan ng Abu Sayyaf Group.
Sinabi ni Atyani, correspondent ng Al Arabiya network, hindi lang isang beses niya tinangkang tumakas kundi pangalawa na.
Nagkataon lamang na abala aniya ang mga kidnaper sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-6 ng Miyerkules ng gabi kaya nakapuslit siya.
Bukod dito, wala aniyang gaanong bantay sa kubo na kanyang tinutuluyan kaya pasimple siyang nakalabas sa kuta ng ASG.
Hindi naman naging mahirap sa kanya ang pagbalik sa siyudad dahil nakakuha siya ng impormasyon tungkol sa direksyon mula sa ilang mga bandido.
Kapansin-pansin naman ang pagkahulog ng katawan ni Atyani kaya pinatingin agad siya sa mga manggagamot.
Ayon kay Patikul, Sulu Police Chief Senior Superintendent Kris Conrad Gutierrez, narekober nila kagabi sa Igasan si Atyani habang naglalakad.
Hunyo 2012 nang dukutin si Atyani at dalawa niyang Pinoy crew na dapat sana ay magsasagawa lamang ng panayam sa rebeldeng grupo.
Una nang pinalaya ang dalawang crew matapos magbayad ng ransom ang kanilang pamilya.
The post UPDATE: Atyani idinetalye ang pagpuga sa ASG appeared first on Remate.