Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Myanmar President U Thein Sein tutulak pa-Cebu bukas

$
0
0

LILIPAD bukas patungong Cebu si President of the Republic of the Union of Myanmar na si U Thein Sein kasama ang kanyang delegasyon upang personal na bigyan ng suporta ang mga taong patuloy na nangangasiwa ng relief efforts doon matapos hampasin ng bagyong Yolanda.

Sa naging talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III sa idinaos na state visit ni Myanmar President U Thein Sein sa Malakanyang kanina ay sinabi nito na makakasama nito ang lupon ng mga manggagamot at dalawang tonelada ng relief goods patungong Cebu.

Sa kabilang dako, tinalakay naman ng dalawang lider  ang makasaysayang pagbabago sa Myanmar sa ilalim ng liderato ni  President Thein Sein partikular na ang democratic at economic reforms na ikinasa nito.

Nag-alok din aniya ang Pilipinas ng technical assistance sa Myanmar National Human Rights Commission (MNHRC), at maging training courses sa mga ahensiya na may kinalaman sa entrepreneurship, culture, eco-tourism, culinary arts, agriculture at fisheries, food processing at preservation, at usapin ukol sa kasarian.

At upang lalo pang mapalawig ang defense cooperation ng dalawang bansa ay nagtalaga si Pangulong Aquino ng isang resident defense attaché sa Myanmar.

Nauna rito, nilagdaan naman ng 2 lider ang isang Memorandum of Understanding on Trade and Investment at kapwa napagkasunduan na ipagpatuloy na pag-usapan ang pag-eestablisa ng Joint Trade Commission  at  Double Taxation Agreement.

Kapwa rin nila  sinaksihan ang paglagda ng Memorandum of Agreement between the Philippine Chamber of Commerce at Union of Myanmar Federation of Chambers of Commerce, na mag-eestablisa naman ng bilateral business forum

The post Myanmar President U Thein Sein tutulak pa-Cebu bukas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>