TODAS ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na sagupaan kaninang madaling-araw, Disyembre 5 sa Camarines Sur.
Nabatid na alas-4:30 ng madaling-araw nang makasagupa ng 49th Infantry Batallion at 902nd na pinangungunahan ni 1Lt. Howard Aladedon ang commanding officer ng 49th IB ang may pitong NPA sa Sinucnipan, Del Gallego.
Matapos ang putukan na tumagal ng limang minuto, nakuha sa lugar ang bangkay sa isa sa mga miyembro ng rebelde na kinilalang si Rene Rabolan Briones, alyas Singkit o Arjon ng Avenue Antipolo, Hills Subdivision, Antipolo City.
Nakumpiska rin ng militar ang kalibre .45 pistol, shotgun, dalawang laptop, pitong cellphone at dalawang backpack.
Kaugnay nito, naglunsad na rin ng hot pursuit operation ang awtoridad laban sa tumakas na mga kasamahan.
The post Militar vs NPA sa Camarines Sur: 1 todas appeared first on Remate.