ISANG sibilyan ang namatay habang lima ang sugatan makaraan ang siyam na oras na girian ng mga pulis, bumbero, mga residente sa naganap na demolisyon sa pribadong lote sa Barangay Calangahan, Lugait, Misamis Oriental.
Nag-human chain at humiga pa ang mga residente sa pinaalis ng Achondoa Agro Industrial Corporation sa kanilang 37-ektaryang lupain.
Nagpalitan ng mga bato ang mga residente na sinagot naman ng tear gas ng awtoridad.
Umalingawngaw rin ang putok ng baril at nabuwag ang barikada ng mga lokal.
Kinilala ang namatay na residente na si si Nixon Tungao matapos tamaan sa tiyan, habang sugatan naman sina Julius Oclarit at Jimmy, mga pulis na sina SPO1 Jason Magno at PO1 Elnes Concha na mula sa Regional Public Safety Batallion (RPSB-10).
Giit ng mga residente, hindi nila inaasahan ang demolisyon.
Natuloy ang demolisyon sa kabahayan ng 200 pamilya ngunit napahinto rin nang makiusap si Gov. Bambi Emano.
The post Demolisyon sa Misamis, 1 patay, 5 sugatan appeared first on Remate.